Litratong Pinoy: Tsokolate

>> Thursday, February 5, 2009


Malapit na ang Araw nang mga Puso kaya mabentang-mabenta dito sa Japan ngayon ang mamahaling tsokolate. Alam ba ninyo na dito, ang mga lalaki ang sinusuyo sa araw na ito? Ang pagbibigay nang isang babae nang tsokolate sa lalaki ay maaaring nangangahulugan na may gusto ang babae sa lalaki. At kung gusto din nang lalaki ang babae, "sinasagot" nang lalaki ang babae sa pagbibigay nang tsokolate sa babae sa March 14 o White Day. Pero meron ding tinatawag na "Giri Choco" o "obligatory chocolate". Ang giri choco ay binibigay nang mga babae sa mga kaopisina nilang mga lalaki sa Araw nang mga Puso.

Valentine's Day is just around the corner and chocolates are in demand now in Japan. Do you know that on Valentine's Day, the ladies are the ones who should give chocolate to the guys? This could mean that a lady feels something romantic towards a guy and on March 14th or White Day, the guy gives his answer by giving that lady chocolates. But, there's also the Giri Choco or obligatory chocolates. These are chocolates given to the guy officemates during the Heart's Day.

Eto ay ang pinakapaborito kong tsokolate dito sa Japan, ang Aero:
Below is my favorite chocolate here in Japan:

Ang Snoopy Choco cookies na ito ay binibenta sa Universal Studios Japan. Gusto ko pa sanang kumuha nang maraming litrator pero akala ko kasi bawal:
The Snoopy Choco Cookies below are sold at Universal Studios Japan. I would have liked to take more photos but I thought it wasn't allowed:

17 comments:

agent112778 February 5, 2009 at 1:48 AM  

yup nakita ko nga ang tradisyon na yan sa mga anime lalo na yung cardcaptor sakura at detective conan

ang swerte ng mga guys jan noh. kunga ako sa kanila, pag ka abot palanmg may sagot na ako agad - pwede ba yun?

eto aken lahok


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Anonymous February 5, 2009 at 1:50 AM  

hi shiera! so glad to see you here in LP!

i'm aware of that weird japanese tradition. lugi maging babae sa japan pag valentine's day! haha!

♥♥ Willa ♥♥ February 5, 2009 at 2:08 AM  

ay ganon, ang gara naman ng tradisyon nila jan, kakaiba, lugi ang mga girlash pag love day, sila mamumulubi.
LP

Anonymous February 5, 2009 at 2:14 AM  

Baliktad sa atin eh no? Lugi nga ang mga gehls.

Gusto ko naman yung Meiji Dark Chocolate at yung me almonds :D

Anonymous February 5, 2009 at 2:52 AM  

Wow, Aero! Thanks for reminding me - I first remember having these when my parents were still based in Japan years ago. At super sarap nga niya - yum!

Like Julie, fave ko rin yung Meiji choco balls with almonds.

Anonymous February 5, 2009 at 4:33 AM  

Lugi nga babae dyan ano? ha ha ha! What if you don't give chocolates to guys you know?

happy lp =)

Anonymous February 5, 2009 at 7:31 AM  

ay ganyan pala dyan, I learned something new tonight... thanks :-)
love Aero too!

Anonymous February 5, 2009 at 8:15 AM  

salamat sa pag-share ng bagong impormasyon. ngayon ko lang nalaman na may ganyan na tradisyon sa japan. :) baliktad pala ito sa kaugalian sa ibang lugar.

Anonymous February 5, 2009 at 9:41 AM  

Naku, peborito ko yang si Snoopy!!! Sana may Snoopy chocolate din dito!

Ang aking tsokolate ay naka-post dito, at ang sa aking kapatid naman ay nandito. Happy Huwebes, ka-LP!

paulalaflower♥ February 5, 2009 at 9:46 AM  

nabasa ko na rin yang tradisyon na yan somewhere. magastos naman, lahat kelangan bigyan. hehe.

happy huwebes kaLP!

eto ang aking lahok:http://paulalaflower.blogspot.com/2009/02/lp-02052009-tsokolate.html

Anonymous February 5, 2009 at 10:07 AM  

ay ganun. nice trivia huh.

happy LP

eto ang aking lahok

http://idlip.net/?p=325

Anonymous February 5, 2009 at 11:04 AM  

ayos... happy huwebes... :)

Carnation February 5, 2009 at 3:39 PM  

basta chocolate masarap! naalala ko ang aero at iba pang chocs na binibili ko noon sa woolworths noong may news na magclose na karamihan ng stores nila. ito yong sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/02/lp44-tsokolate-chocolate.html

Anonymous February 5, 2009 at 10:58 PM  

so walang natatanggap na tsokolate ang mga babae sa araw ng mga puso? kung eto ang susunding tradisyon, ganun ba?

JO February 6, 2009 at 1:41 AM  

hay naku, parang nag-craving tuloy ako ng tsokolate sa LP natin ngayon.

eto ang aking paborito sa lahat

Anonymous February 6, 2009 at 8:23 AM  

wow! iba talaga ang mga kagawian dyan...swerte naman ng mga boys hahaha!. salamat sa inpormasyon, cute ni Snoopy:)

my chocolate posts are here: Reflexes and Living In Australia

Emir Rio Abueva February 8, 2009 at 2:08 PM  

Uy! Gusto ko nung choco cookies na may pabalat na Snoopy!

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP